Panginoon, maraming maraming salamat po sa araw na ito na ipinagkaloob nyo sa amin. Hindi nyo po kami pinapabayaan sa araw-araw. Lagi nyo po kami ginagabayan sa bawa't oras sa mundong ito Panginoon.
Maraming salamat po at binibigyan nyo po kami ng makakain sa araw- araw salamat po sa mga blessing na ito na pinagkakaloob nyo sa akin at sa aking pamilya.
Patawarin nyo po sana ako sa aking mga pagkukulang, minsan ay nalilimutan ko pong magpasalamat at magpanalangin sa inyo Panginoon sana patawarin nyo po ako.
Maraming salamat Panginoon sa lahat lahat ng ginawa nyo po para sa akin at sa aking pamilya. Mahal na mahal kita Panginoon Diyos.
0 comments
Post a Comment